WORLD title crack ang pangako ng mga nangangasiwa sa karera ni WBA No. 5 super lightweight Czar Amonsot sa paglaban kontra sa mas batang si Hungarian Zsigmond Vass sa Marso 17 para sa bakanteng interim WBA Oceania light welterweight title sa The Melbourne Pavilion, Flemington, Victoria sa Australia.

Tiyak na aangat si Amonsot sa WBA rankings kung tatalunin sa kumbinsidong paraan ang 21-anyos at tubong Budapest na si Vass para mabawi ang WBA Oceania light welterweight title na dati na niyang hawak bukod pa PABA at WBA Pan African super lightweight titles.

Minsan nang lumaban para sa interim WBA lightweight title si Amonsot pero tinalo siya ni two-time world champion Michael Katsidis ng Australia noong Hulyo 21, 2007 at mula noon ay hindi na siya natalo bago dahan-dahang umangat sa WBA rankings na kampeon ngayon ang gusto niyang hamunin na si Ricky Burns ng United Kingdom.

May rekord ngayon ang 30-anyos na si Amonsot na 33-3-3 may 21 pagwawagi sa knockouts samantalang si Vass ay may kartadang 12-4-0 na may 2 panalo lamang sa knockout. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!