TABLA sa ituktok ng team standing (2-2) ang R.Lapid Kingstone at Tropang K-Jeds sa expert Division ng Brotherhood Basketball League ‘WCA Travel Cup” sa idinaos na elimination round kamakalawa saTrinity University of Asia ,Quezon City.

Naglatag ng matinding opensa ang bataan ni Kingstone coach Erwin Sta Maria sa endgame kasabay ng mahigpit na depensa sa kabilang dulo upang ipagpag ang Hobe ,75-68 para sa ikalawang sunod na panalo ng koponan ni Rey Lapid

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nagsalansan ng walong puntos sa kalagitnaan ng dikidikang fourth quarter si R.Lapid slotman Argel Joseph Mendoza kasabay ng pagmando sa paint para makontrol ang mga kamador ng Hobe.

Natakasan naman ng K-Jeds ni Jed Kirong ang Invictus Farm,79-75 para sa back-to-back na panalo nito upang sumosyo sa R.Lapid sa ituktok ng karta ng torneong inorganisa ni BBL Chairman Erick Kirong ng Macway Travel at inihahandog ni CEO Engr. Joven Diaz ng World Cruisers Adventures Travel and Tours. Ang Hobe katulad ng Invictus ay kapwa sumadsad sa 0-2 katayuan.

Sa isa pang expert division match, umentra na rin sa win column ang Wolfpack matapos nitong ungusan ang EARIST Red Fox,75-73 para sa kanilang 1-1 karta habang semplang sa 0-2 ang tropang Amang Rodriguez ni coach Bong Miguel Laus.

Nagtala naman ng one-sided victory ang Bearcats laban sa Dok Manok,91-58 para sa ikalawang sunodna panalo ng koponan ni Gerry Lopez.Dinaig ng Cocolife ang Goto Pilipinas 101-98 via overtime.