CALACA, Batangas - Napatay ng mga operatiba ng Calaca Police ang isang umano’y miyembro ng Termite Gang nang makasagupa ng mga awtoridad matapos umanong pagnakawan ang isang pawnshop sa Calaca, Batangas kahapon ng madaling araw.

Hindi pa nakikilala ang suspek na idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Calaca.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:05 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon ang Calaca Police na pinagnakawan ang Jaro Pawnshop sa Barangay Poblacion 4.

Sa pagresponde ng grupo ni Chief Insp. Telesforo Domingo III, acting police chief, ay nakabakbakan nila ang dalawang suspek at napatay ang isa habang nakatakas naman ang isa pa. (Lyka Manalo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog