David Nwaba,James Harden

SAN ANTONIO (AP) — Hindi naging bentahe ng San Antonio ang pagbabalik-aksiyon ni LaMarcus Aldridge nang humataw si Damian Lillard sa nakubrang 36 puntos para gabayan ang Portland Trail Blazers kontra Spurs, 110-106. Nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nag-ambag si C.J. McCollum ng 26 puntos para sa Trail Blazers, maagang nabawi ang 23-puntos na kabiguan sa New Orleans.

Kumana si Aldridge ng 19 puntos at pitong rebound matapos ma-sideline ng dalawang laro bunsod ng ‘minor heart arrhythmia’. Pinayagan siyang maglaro na walang ibinigay na restrictions.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nanguna si Kawhi Leonard sa Spurs (52-15) sa naiskor na 34 puntos.

HEAT 120, PELICANS 112

Sa Miami, ratsada si Goran Dragic sa nakanang 33 puntos, habang nagtumpok si Hassan Whiteside ng 20 puntos at 17 rebound sa panalo ng Heat konhtra New Orleans Pelicans.

Nag-ambag si Wayne Ellington ng 19 puntos sa Heat, umukit ng 16 three-pointer at nahila ang winningh run sa 18 sa sandaling makaikor ng 10 pataas sa rainbow area.

Nagwagi ang Heat (33-35) sa ika-22 sa 27 laro at 14-1 a huling 15 laban.

Kumayod si Anthony Davis sa Pelicans sa naiskor na 27 puntos, habang kumana si DeMarcus Cousins ng 19 puntos.

PACERS 98, HORNETS 77

Sa Indianapolis,kumana ng anim na three-pointer si Paul George para sa kabuuang 39 puntos at sandigan ang Pacers sa panalo kontra Charlotte.

Kumubra si Jeff Teague ng walong puntos, walong rebound at 11 assists, habang nag-ambag sina Myles Turner at Monta Ellis ng 11 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

MAVERICKS 112, WIZARDS 107

Sa Washington, ginapi ng Dallas Mavericks, sa pangunguna ni Dirk Nowitzki na tumipa ng 20 puntos, ang Wizards.

Tumatag ang kampanya ng Mavs sa ikawalo at huling spot sa Western Conference playoff.

Nanguna sa Wizards si guard John Wall na may 16 puntos at 11 renound.

Sa iba pang laro, pinatahimik ng Boston Celtics ang Minnesotta Timberwolves, 117-104, pinasabog ng Houston Rockets ang Los Angeles Lakers, 139-100; nilapa ng Memphis Grizzlies and Chicago Bulls, 98-91; diniskaril ng Utah Jazz ang Detroit Pistons, 97-83