SHARON copy copy

NABASA namin ang tweet ni Sharon Cuneta dated March 12 na, “As of last week, the news I gathered is that the movie with G (Gabby Concepcion) is pushing through. I will pray na lang. Let us pray. Bow.”

Kung totoo ito, matutuwa ang maraming fans nina Sharon at Gabby na 25 years nang naghihintay para magkaroon uli sila ng pelikula. Lalo’t ang mga nakaraang linggo ay hindi kagandahan ang mga balitang lumalabas tungkol sa muling pagtatambal ng dalawa at may mga nasulat na ngang hindi matutuloy.

Nagalit nga raw si Gabby nang lumabas ang P10M talent fee na hinihingi niya sa Star Cinema, na under negotiation pa pala that time. Ibig sabihin, puwede pang pag-usapan, pero nag-leak sa media na ikinagulat ng aktor.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kabilang sa rason kung bakit nagkaproblema sa reunion movie nina Sharon at Gabby, wala pa raw script. Hindi rin puwedeng magsimulang mag-shooting si Gabby last January dahil busy sa taping ng shows niya sa GMA-7 na Ika-6 Na Utos at Tsuperhero. Ayaw naman niyang pabayaan ang dalawang show dahil may exclusive network contract siya sa Kapuso Network at halos everyday ang taping niya.

Unfair nga kay Gabby ang mga nagsabi na wala raw siyang career ngayon dahil top-rating ang dalawa niyang show sa Siyete. Sinusubaybayan ang Ika-6 Na Utos na number one sa time slot nito at extended.

Extended din ang Sunday show niyang Tsuperhero. Kaya kung matutuloy ang movie nila ni Sharon, kailangang ayusing mabuti ang kanyang schedule. (NITZ MIRALLES)