TARLAC CITY – Dahil sa iniindang liver cancer, isang engineer ang nagsaksak sa dibdib bago ginilitan ang sarili sa Sitio Quintin, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City, nitong Linggo ng hapon.

Sa ulat ni PO3 Benedick Soluta kay Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, kinilala ang nag-suicide na si Engineer Edwin Briones, 51, binata, ng nabanggit na lugar.

Natuklasan ng mga kaibigan ang pagpapatiwakal ni Briones, ngunit nang maisugod nila ito sa Central Luzon Doctors’ Hospital (CLDH) ay noon lamang nila nalaman na may kanser ito sa atay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog