PINAYUKO ng University of the East Red Warriors ang Ateneo Blue Eagles, 4-1, upang makausad sa men’s championship sa unang pagkakataon sa UAAP Season 79 lawn tennis tournament.

Nagsipagwagi sina rookie AJ Lim at Joshua Kinaadman sa unang dalawang singles matches na sinundan ng pananaig nina Dolfo Barquin at Paolo Baran gayundin ang pareha nina Rogelio Estano at RJ Saga sa doubles upang ibigay sa Red Warriors ang kanilang ikapitong panalo sa walong laro sa Rizal Memorial Tennis Center.

Dahil sa panalo, nakabawi rin ang Red Warriors mula sa 2-3 na kabiguan sa kamay ng defending four-time champion National University.

Sa iba pang laro, pinatibay ng University of Santo Tomas ang kapit sa ikalawang puwesto kasunod ng 4-1 panalo kontra University of the Philippines, habang ginapi ng De La Salle ang NU, 3-2, na nagpagulo sa standing. (Marivic Awitan)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA