Nagtakda ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng mas maraming job fair ngayong buwan sa layuning mabawasan ang mga walang trabaho sa bansa.

Ayon kay DoLE Secretary Silvestre H. Bello III, mas maraming lokal at overseas na trabaho ang iniaalok sa walong job fair sa Central Visayas.

Magdaraos ng job fair ang DoLE-Region 7 sa Cebu Provincial Capitol Social Hall ngayong Linggo, Marso 12; at sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City sa Marso 16-17.

May job fair din sa Cebu City Sports Center at Panphil B. Frasco Memorial Sports Complex sa Marso 18, at sa Mandaue City Sports Complex sa Marso 20. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter