NANANATILING loyal Kapuso si Kris Bernal sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa GMA Network. Homegrown talent ng Siyete si Kris simula pa nang manalo siya sa Starstruck 4, sila ni Aljur Abrenica. Marami nang magagandang projects na ibinigay sa kanya ang network, at ang huli at nang gumanap siya sa Little Nanay bilang 27-year old na may pag-iisip ng 7-year old.

“Grateful po ako sa strong relationship ko with GMA through the ten years na nasa kanila ako,” sabi ni Kris. “Ito ang gusto ng puso ko, kung saan ako komportable, where I feel complete, when I’m satisfied and contented. I’m very thankful na nandito pa rin ako at binigyan muli ng chance.”

Pumirma si Kris ng contract with the executives ng GMA Entertainment TV at GMA Artist Center.

Ngayon ay muling susubukin ang husay sa pag-arte ni Kris sa pagbibigay sa kanya ng remake ng Impostora na gaganap siya in a dual role.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Masaya ako dahil ang ganda-ganda ng project na ibinigay nila sa akin, na alam kong dito ako talaga mahahasa at lalong maggu-grow. Ito na ang pinaka-challenging character para sa akin. Sa Little Nanay kasi, isa lang ang character ko, pero dito, dalawa na pabagu-bago ako, hindi lang sa acting, sa pananamit din, may prosthetics pa ako at iba’t ibang make-up at look.”

Nagpasalamat din si Ms. Lilybeth Rasonable, senior vice president ng GMA Entertainment TV, na nanatili sa kanila si Kris. “Ito ang kanyang tahanan, and we’re happy that she continue to be with us.”

Nagsimula nang mag-taping si Kris ng Impostora na mapapanood sa afternoon prime ng GMA 7 soon, sa direksiyon ni Albert Langitan. (NORA CALDERON)