SA Luzon man o sa Mindanao, libu-libong fans ang nagpapakita ng suporta sa Kapuso celebrities na bida sa naglalakihang GMA shows na Destined To Be Yours , Meant To Be, My Love From The Star, at Impostora nang makisaya sa Panagbenga, Kalilangan, at Tagum City Musikahan festivals.

Walang panama ang malamig na klima ng Baguio City sa mainit na pagtanggap ng mga residente at turista sa cast ng Meant To Be noong Pebrero 25. Napuno ang Sunshine Park ng mga manonood na excited makita si Barbie Forteza at ang kanyang leading men na sina Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan.

Sigaw at tili naman ang bumati kina Alden Richards at Maine Mendoza pagsampa pa lamang nila sa Kapuso float para sa Panagbenga Grand Float Parade kinabukasan, Pebrero 26. Hindi maitago ng mahigit isang milyong manonood ng float parade ang excitement nang dumaan ang Kapuso float sakay ang mga bida ng primetime series na Destined To Be Yours at lumibot sa kahabaan ng Upper Session Road hanggang sa Melvin Jones football field. Lalo pang pinasaya ng AlDub ang kanilang fans sa ginanap na Kapuso Fiesta sa Sunshine Park at sinamahan pa sila ng kanilang co-stars na sina Koreen Medina at Juancho Trivino.

Nang araw ding iyon sa Mindanao, si Jennylyn Mercado naman ang nagpatingkad sa Kalilangan Festival ng General Santos City. Kasama ni Jennylyn sa KCC Mall ang kanyang leading man sa upcoming show na My Love From The Star na si Gil Cuerva.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Lumipad din papuntang Davao del Norte ang cast ng Meant To Be upang makisaya sa Tagum City Musikahan Festival noong Pebrero 28. Hindi mahulugang karayom ang New City Hall Grounds sa Tagum City sa 20,000 tao na nakisaya sa Kapuso Fiesta kasama sina Barbie, Jak, Ivan, Addy, at Ken.

Bago ito, isang nakakikilig na Kapuso Mall Show din ang inihandog nina Kris Bernal at Rafael Rosell sa NCCC Mall Tagum. Sina Kris at Rafael ang magbibida sa upcoming teleserye na Impostora.