MAY mangilan-ngilan pa ring celebrity na nagpaparetoke. Siyempre, sa udyok ng mga taong nakapaligid sa kanila, dahil nga naman napapanood sila sa pelikula at telebisyon, nahihimok silang ipagalaw sa siyensa ang kanilang likas na hitsura.

Dapat lang daw kasing maging maganda sa mata ng mga manonood.

Kung hindi mukha o ilong ang ipinaparetoke, may mga babaeng taga-showbiz na nagpadagdag ng kayamanan sa dibdib.

Pero kakaiba at pambihira ang ibinalita sa amin ng isang female celebrity. Wala raw siyang ipinapaayos sa mukha dahil sa totoo lang naman ay maganda na talaga siya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matangos na ang kanyang ilong kung kaya hindi na dapat ipaayos. Maganda na rin naman ang boobs niya, at sa katunayan ay isa siya sa mga nagtataglay ng magagandang kayamanan sa dibdib.

Kaya nagulat na lang kami nang magkuwento siya na ipinapaayos niya ang kanyang dibdib. Pero hindi siya nagpadagdag kundi nagpabawas, huh!

Katwiran niya, payo raw iyon ng doctor niya. Kung hindi raw kasi niya babawasan ay magtutuluy-tuloy ang pananakit ng kanyang likod.

“Yes, I had a breast reduction surgery. From Cup DD I’m down to cup B,” pag-amin ng premyadong female celebrity na very visible pa rin ngayon.

Habang kausap namin ang kilalang female celebrity ay masakit pa rin daw ang operasyon na isinagawa sa kanya.

“Still recuperating. Masakit sobra ang surgery, but had to do it ‘coz it’s affecting my back. May tahi pa,” sey niya.

Halos karamihan sa mga babaeng artista ay nagpadagdag, pero siya naman ay nagpabawas.

“Totoo naman ‘yun. Dito sa atin, eh, bihira kasi puro dagdag ang ‘pinapagawa dito. Pero magaling ang doctor ko,” sey pa ng magandang female celebrity. (Jimi Escala)