PINAGKAKATIWALAAN pa ring product endorser si Kris Aquino kahit wala pang regular show. Katunayan ang pagkuha sa kanya para maging first endorser ng Ultherapy. Ipinakilala ang TV host sa isang magarbong dinner sa Makati Shangri-La Manila.

Sa nasabing Ultherapy event, nabanggit ni Kris na one-time TV special muna ang Trip ni Kris dahil sa mahal ang airtime ng GMA Network.

“Ang mahal kasi ng airtime deal sa GMA Network. So ‘yung producer ko, I told her she should try it out first . And let’s see after what will happen after that.”

Dagdag pa ni Kris, nagbayad na ang kanyang producer sa GMA Network para sa block time.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“It will air immediately after Kapuso Mo, Jessica Soho. So, I think that’s about 10 PM. Sana ‘wag mag-overtime si Jessica.”

Sa isa niyang post sa nangyaring aksidente habang nagti-taping ng Trip ni Kris, nabanggit ni Kris na si Dory Morales ang kanyang producer sa two-hour travel themed special na mapapanood sa March 26. (NITZ MIRALLES)