Rupert at Ed copy

DAHIL sa pagganap bilang Ron Weasley sa walong pelikula ng Harry Potter, agad nakikilala si Rupert Grint sa mga lansangan.

Pero may mga pagkakataon na napagkakamalan siyang si Ed Sheeran.

“It’s kinda 50/50 now,” pag-amin ni Grint kay James Corden sa episode ng The Late Late Show nitong Lunes. “It’s like if someone stops me, it could go either way. I could be Ed or I could be me.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

At hindi lang mga tao sa labas ng music industry ang nagkakamali sa pagkilala sa kanya. Mayroon din siyang nakatatawang engkuwentro sa mang-aawit na si Leo Sayer.

“Leo Sayer, he came up to me and he said he loved my music,” natatawang kuwento ni Grint. “Of course, thinking I was Ed. I just, yeah, I play along.”

Mahirap sisihin ang nagkakamaling fans. Lumabas na rin kasi si Grint bilang si Sheeran, 25, sa music video ng Lego House nito.

At pagbubunyag ng British actor, hindi siya apektado sa mga ganitong pagkakataon. “Not a lot phases me. I actually caught fire once, and I didn’t even know it was happening,” aniya. “I was at the Edinburgh Festival, and it was a screening for a film and I actually felt quite hot… John Hurt the late, great John Hurt, he came up to me and said, ‘Um ‘Do you know you’re on fire my boy?’” 

Sinabi ni Grint na nagsunog ang kanyang jacket, “I think I was standing very close to a candle, and I bumped into it.

I had no idea.” (ET Online)