SI Kris Aquino ang tinutukoy sa isang blind item na diumano’y hinihimok na maghanda para sumabak sa pulitika sa 2019. Ito ang hula sa blind item ng aming kaibigang pulitiko na may konek din sa showbiz.

Kuwento ng kausap namin, may mga umaayos raw sa plano para sa pagtakbo ni Kris bilang mayor ng Quezon City. Ito rin daw ang dahilan kung bakit madalas na nakikita si Kris kasama si QC Mayor Herbert Bautista.

Ayon sa source namin, may konting problema lang daw na inaayos ang kampo ni Kris na kung malulunasan agad ay malamang na magtuluy-tuloy ang pagpaplano para sa pagtakbo niya bilang alkalde ng naturang siyudad.

Banggit pa ng kausap namin, hindi lang naman si Mayor Herbert ang madalas na ka-meeting ni Kris kundi may mga kasama rin silang iba pang mga pulitiko na nakahandang tumulong kung mahihimok nilang pumasok sa pulitika si Kris.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa ng source, malamang daw na magkaroon ng kaguluhan sa mga pulitikong sasabak sa local positions sa Kyusi.

Last term na kasi ni Mayor Herbert at nakaumang na papalit sa mababakanteng posisyon ang kanyang bise alkalde na si Joy Belmonte.

Anak ng dating House speaker na si Cong. Sonny Belmonte si Joy na umanib na sa partido ni Presidete Rody Duterte.

“Siyempre, kailangan nilang manigurado mabigat pa rin ang laban ng kung sinumang iiendorso ni Pres. Duterte bilang mayor ng Kyusi,” sey ng source.

Sa tingin naman namin, maraming incumbent local politicians ng QC na tiyak na tahimik lamang na nagmamasid sa magiging plano ng kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kung saka-sakali, magiging exciting ang Kris versus Joy for mayor ng Quezon City. 

Pero sabi pa ng kausap namin, tiyak na kaabang-abang din daw ang labanan naman for vice mayor ng siyudad.

(JIMI ESCALA)