B2B CHAMP! Maagang lumabas sa peloton (kaliwa) si Jan Paul Morales at matiwasay na nakatawid sa finish line para makumpleto ang koronasyon bilang 2017 LBC Ronda Pilipinas champion. (MB photos | RIO DELUVIO)
B2B CHAMP! Maagang lumabas sa peloton (kaliwa) si Jan Paul Morales at matiwasay na nakatawid sa finish line para makumpleto ang koronasyon bilang 2017 LBC Ronda Pilipinas champion. (MB photos | RIO DELUVIO)
ILOILO CITY – Hindi na kailangan pang mangibabaw, ngunit mas pinasarap ni Jan Paul Morales ng Philippine Navy- Standard Insurance ang koronasyon bilang back-to-back champion sa LBC Ronda Pilipinas sa impresibong podium finish sa huling Stage 14 Citerium kahapon sa Iloilo Business Park.

Hindi humiwalay ang 31-anyos na si Morales sa peloton sa kaagahan ng karera, subalit nang makasilip ng pagkakataon, kaagad na umibis at sa tulong ng mga kasangga, nagawanag makasibat tungo sa panalo sa tyempong isang oras, limang minuto at walong segundo.

Matapos ang 14 stage at kabuuang distansiya na 1,782.6-km, nakolekta ni Morales ang oras na 44:55:35, may 13.45 minuto ang bentahe sa kasanggang si Rudy Roqie at maitala sa kasaysayan bilang kauna-unahang back-to-back winner sa pamosong cycling marathon.

Tinanghal din siyang ‘sprint’ at ‘king of the mountain’ champion.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Salamat sa mga kasama ko. Talagang nagsakripisyo ang bawat isa para makuha ko ang korona. Para din sa kanila ang panalo kong ito,” pahayag ni Morales, nakamit ang unang P1 milyon sa kanyang cycling career kaloob ng presentor LBC sa pakikipagtulungan MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Naibulsa niya rin ang P228,500 bilang premyo sa stage win (anim) na kanyang napagwagihan at P50,000 bahagi niya sa team competition matapos makopo ng Navy ang team championship sa kabuuang oras na 176:46:09. Nakabuntot ang Kinetix Lab-Army (177:36:36) at Go for Gold's (177:46:07).

Bukod kay Morales, tanging si Santy Barnachea ang siklistang may dalawang korona sa Ronda na napagwagihan niya noong 2003 at 2005. Kabilang din sa mga naging kampeon sina irish Valenzuela ng Albay (2012), Big City bet Mark Galedo (2013) at Butuan City's Reimon Lapaza (2014).

"Sobrang hirap nang pinagdaaanan namin. After makuha ko yung lead sa unang tatlong stage, sabi ko tyagain ko na ito. Yung mga kasama ko naman nag-usap na kami na sakaling may humirit diskartehan na naming. Kahit sino sa amina ng magkampeon huwag lang iab,” sambit ni Morales, nakuha ang ‘red jersey’ – simbolo ng pangungunan nang makuha Stage Three.

“At least sigurado ko na may ipon kami ni Misis (Leni) para sa pag-aaral ng mga bata,” aniya, patungkol sa anim na taong si Janel at dalawang taon na si Jan Paul, Jr.

Bukod sa dalawa, may parating pang anghel sa pamilya dahil dalawang buwang buntis ang kanyang maybahay.

“Sabi nila suwerte raw ang buntis. Mukhang totoo nga,” pabiro ni Morales.

Sumegunda si Roque, 25, sa individual race sa oras na 45:09:20, habang pangatlo si Army's Cris Joven (45:12:16). Kabilang sa top 10 sina Go for Gold's Bryant Sepnio (45:23:37), RC Cola-NCR's Leonel Dimaano (45:23:51), Navy's Ronald Lomotos (45:24:41), Daniel Ven Carino (45:27:35) and skipper Lloy Lucien Reynante (45:28:33), at Army's Reynaldo Navarro (45:31:11) and Ronnilam Quita (45:32:25).