MEXICO CITY (AP) — Magaan na pinasuko ni Rafael Nadal si Italian Paolo Lorenzi, 6-1, 6-1 nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para makausad sa quarterfinals ng Mexican Open sa pamosong Acapulco.

Naging kampeon dito si Nadal noong 2005 at 2013 at tangan ang 12-match winning streak sa naturang event.

“Unfortunately, I will lose eventually,” pahayag ni Nadal. “But the harmony with the crowd and the court is amazing. With all of the support from the people, it gets easier.”

Sunod na makakaharap ng 30-anyos na Spanish star si Japanese Yoshihito Nishioka, nagwagi kay Jordan Thompson ng Australia, 6-4, 3-6, 6-0. Ito ang unang sabak sa aksiyon ni Nadal matapos matalo kay Roger Federer sa Australian Open nitong Enero.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“I played a complete match today and I’m feeling great after a month without playing,” aniya.

No.2 seed si Nadal sa torneo na kinabibilangan din nina Serbian star Novak Djokovic at Croatia’s Marin Cilic.

Ginapi ng third-seeded na si Cilic ang kababayang si Borna Couric 6-3, 2-6, 6-3. Makakaharap niya sa Final eight match si American Steve Johnson, namayani kontra Ernesto Escobeda, 7-6 (5), 6-3 panalo.

Umusad din si American Sam Querrey matapos magwagi kay No.5 seed David Goffin ng Belgium, 6-2, 6-3. Mapapalaban siya sa mananalo sa duwelo nina defending champion Dominic Thiem ng Austria at Adrian Mannarino ng France.

Sa women’s side, naungusan ni Rio Olympic winner Monica Puig ng Purto Rico si No.4 Slovakia’s Daniela Hantuchova, 6-4, 6-4. Nauna rito, nanaig si Ukraine’s Lesia Turenko kay Julia Goerges 6-1, 2-0 .

Naungusan naman ni American Christina McHale ang kababayang si Taylor Townsend, 6-1, 7-6 (5), habang umusad si third-seeded Jelena Ostapenko ng Latvia kontra American Madison Brengle, 7-5, 6-4 panalo.