Mga laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- Wangs vs Blustar

5 n.h. -- JRU vs Cignal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NAKASIGURO na nang slot sa quarterfinal round, sisikapin ng Cignal-San Beda na mapanatili ang tangan sa liderato sa pagharap sa inspiradong Jose Rizal University sa tampok na laro ngayong hapon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang kapana-panabik na duwelo sa 5:00 ng hapon, kasunod ng salpukan ng Wang’s Basketball at Blustar sa 3:00 ng hapon.

Inaasahan ni Cignal coach Boyet Fernandez na patuloy pang maisaayos Hawkeyes ang opensa para makausad pa sa susunod na round.

“Right now, we’re happy about it. Our first goal was to make it to the quarterfinals. It’s one of our achievement, but still, the boys did a good job. Hopefully, we won’t stop here and we continue to improve,” pahayag ni Fernandez.

Umaasa naman si JRU coach Vergel Meneses na maipagpatuloy ng Bombers ang matikas na kampanya matapos maitala ang pinakamalaking upset sa liga sa kasalukuyan nang gapiin nila ang dating walang talong Racal. (Marivic Awitan)