MARX ARRA AT JORROS copy

MUKHANG hindi mauubusan ng pasabog ang Encantadia dahil sunud-sunod pa rin kaya nagugulat na lang ang televiewers sa bagong characters na pumapasok gabi-gabi. Ikinatutuwa ito ng Encantadiks ayon na rin sa reaction na ipino-post nila sa social media.

First wave ang pag-entra ni Eula Valdez bilang si Avria, ang huling reyna ng Etheria. Sumunod ang pagbabalik ng character ng batang si Paopao na ginampanan ni Yuan Francisco, pero ngayon ay binata na kaya si Phytos Ramiez na ang pumasok sa epic-serye. Naghahanap kasi si Cassiopea ng mga mag-aalaga sa limang brilyante, kaya may papasok pang ibang characters. Dalawa na ang nagkakaroon ng tatak ng Lireo, sina Deshna/Luna na ginagampanan ni Inah de Belen at si Paopao nga. Hinihintay ng televiewers kung sila na ang magiging tagapag-alaga ng mga brilyante.

Noong isang gabi, napanood naman ang pagpasok ng tatlong bagong characters. Natupad na ang wish ni Joross Gamboa na mapasama sa telefantasya, dahil siya ang gumaganap na mandirigmang si Manik. Ang dating finalist ng Starstruck 6 na si Arra San Agustin naman ang gumaganap bilang Ariana. Bilang Azulan naman si Marx Topacio, ang hunk actor-model na boyfriend ni Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina. Siya ang pinuno ng tribo ng mga Punjabwe na mahusay makipaglaban sa ere.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Tiyak na natutuwa ang mahihilig sa action scenes dahil sunud-sunod ang ganitong eksena ngayon sa Encantadia, lalo pa at ang mga tauhan ni Avria sa Etheria ay nangunguha ng kalalakihang bubuo ng kanilang hukbo at pinangungunahan ito nina Amarro (Alfred Vargas), Lilasari (Diana Zubiri), Asval (Neil Ryan Sese) at ni Andora (Rochelle Pangilinan).

Sila ang lalabanan ng mga diwata ng Lireo na sina Hara Danaya (Sanya Lopez), Hara Pirena (Glaiza de Castro) at Raha Ybrahim (Ruru Madrid), Muros (Carlo Gonzales) at Aquil (Rocco Nacino).

Mula sa direksiyon ni Mark Reyes, napapanood gabi-gabi ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras. (NORA CALDERON)