TANAUAN CITY, Batangas - Bumulagta ang isang umano’y miyembro ng Akyat Bahay Gang matapos na mabaril ng may-ari ng bahay na kanyang nilooban sa Tanauan City, Batangas.
Kinikilala pa ng pulisya ang suspek na nakasuot ng shorts, walang damit pang-itaas, at may T-shirt na nakatakip sa mukha para magsilbing bonnet.
Nabaril naman ng suspek sa balikat si Manolito Mendoza, 49, negosyante at may-ari ng bahay na nilooban sa Barangay Bañadero.
Ayon sa report ni PO1 Julius Andrew Dionisio, dakong 2:20 ng umaga nitong Linggo nang maalimpungatan si Mendoza at matuklasang nasa loob ng kanyang bahay ang suspek.
Kaagad umanong nagpaputok ng baril ang suspek, ngunit nakaganti si Mendoza at napatay ang una. (Lyka Manalo)