Ayaw ni Selena Gomez na gumugol ng isang weekend na wala ang kanyang bagong minamahal. Lumapag ang The Heart Wants What It Wants singer, 24, sa Amsterdam noong Biyernes, 24-oras bago ang nakatakdang pagtatanghal ng boyfriend niyang si The Weeknd sa kabisera ng Netherlands.

“She flew there to meet up with him,” kinumpirma ng isang source sa Us Weekly. “She will be at his show in Amsterdam.”

Sinimulan ng Party Monster singer, 27, ang kanyang 46-date Starboy: Legend of the Fall Tour sa Stockholm noong Pebrero 17, at sinabi ng isang Selena insider na balak niyang panoorin ang multiple performances nito bago matapos ang summer.

“She plans on showing up here and there on his tour,” sabi ng insider ng bituin, na abala sa pagrerekord ng bagong musika at bilang executive-producer ng Netflix series na Thirteen Reasons Why. “She has a ton going on so she can’t drop everything, but she will show up on off-days.”

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Isang buwan pa lamang ang kanilang relasyon, ngunit marami nang biyaheng magkasama sina Selena at The Weeknd. Ilang linggo matapos silang makita na naghahapunan sa Santa Monica eatery na Giorgio Baldi noong Enero 10, bumiyahe ang dalawa patungong Florence, Italy.

Sa Tuscan capital, sweet na sweet ang ex ni Justin Bieber at si The Weeknd, na nakipaghiwalay sa modelong si Bella Hadid noong Nobyembre, sa kanilang dinner, naglakad sa medieval stone bridge ng Ponte Vecchio at magkahawak-kamay na namasyal sa Accademia Gallery. (US Weekly)