Marian_1 copy

NAG-POST ng picture si Marian Riverana may hawak siyang red roses na nilagyan niya ng caption na “Certified Floraphile”. Flower person si Marian kaya bagay na bagay sa kanya ang ginamit na description na ang ibig sabihin ay “a person who loves flowers”.

Ito ang rason kung bakit niya papasukin ang flower business via Flora Vida by Marian. Hindi pa operational ang flower shop business ng aktres at hindi pa yata naihahanda ang puwesto, pero may business permit na at si Dingdong Dantes mismo ang pumirma nito.

Ang Flora Vida ang isa sa mga nagpapa-excite kay Marian na nagsabing kahit balik-taping na siya para sa kanyang gagawing bagong teleserye, may time pa rin siya sa Flora Vida at pag-aalaga kina Dingdong at anak na si Zia. Nasa time management lang daw ‘yun at magaling siya rito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May nadiskubreng method si Marian kung paano pahahabain ang buhay ng roses hanggang one to two years, kaya lang trade secret niya ito, kaya hindi niya puwedeng isapubliko. Pero marami tuloy ang nagti-text sa kanya para itanong kung ano ang method na nadiskubre niya, pero ayaw talaga niyang sabihin.

Samantala, mamaya sa Dear Uge, si Marian ang special guest na tama sa anniversary presentation ng comedy anthology.

Kabilang din sa guests sina Boobay at Lharby Policarpio.

“Hindi ako sanay sa comedy, lalo’t more than two years ako natigil umarte. Iba ang delivery ng punchline dahil comedy. ‘Tapos kailangang i-memorize ang dialogue. Pero okay naman, nagawa naman namin ni Boobay nang maayos ang eksena namin. Madali nga kaming natapos mag-taping,” wika ni Marian.

Anyway, sa susunod na meeting ni Marian sa GMA-7, aayusin pa ang gagawing teleserye na kakaiba ang concept. Pambata ito na bagay sa status niya ngayon na misis na at mommy ni Zia. (NITZ MIRALLES)