TANAUAN CITY, Batangas - Kapwa sugatan ang isang mag-ina matapos silang pagsasaksakin ng kapitbahay nilang lalaki sa Tanauan City, Batangas.

Ginagamot pa sa ospital sina Annie Lillo, 55; at Annielyn Olaes, 23, kapwa taga-Ancop Village, Barangay Poblacion 4, habang naaresto naman si Felix Laude III, 40 anyos.

Ayon sa report ni PO1 Leo Arnie Leycano, dakong 9:45 ng umaga nitong Huwebes nang mauwi sa pagtatalo ang pagbibintang ni Lillo na ibinagsak ni Laude ang bakal nilang gate.

Sinaksak umano ng suspek ang ginang, at nang tinangkang umawat ni Olaes ay sinaksak din umano siya ni Laude.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

(Lyka Manalo)