MALAKING paghamon sa mga magulang na mailayo ang kanilang mga anak sa screen ng computer o gadgets. Ngunit sa ngayon, hindi na sila masyadong mababahala. Iminumungkahi ng bagong pag-aaral na ang pagtutok sa screen ay hindi nakasasama sa kabataan.

Hindi nagkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali ng kabataan sa Florida ang pagtutok ng anim na oras sa screen sa isinagawang bagong pag-aaral ng mga researcher.

At kapag lumagpas sa anim na oras ang screen time, maliit lamang ang nagiging negatibong epekto, ayon sa pag-aaral na inilathala nitong Pebrero 7 sa journal na Psychiatric Quarterly.

Sinusuportan ng bagong resulta ang American Academy for Pediatrics (AAP) 2016 screen time guidelines, na nagrerekomenda sa mga magulang na dapat tiyaking hindi nakakaapekto sa healthy activities ang screen time ng kabataan, tulad ng pag-eehersisyo at pagtulog.

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

“Although an ‘everything-in-moderation’ message when discussing screen time with parents may be most productive, our results do not support a strong focus on screen time as a preventive measure for youth problem behaviors,” saad sa pahayag ng study author na si Christopher Ferguson, psychology professor sa Stetson University sa Florida.

Sa pag-aaral, sinuri ni Ferguson at ng kanyang grupo ang datos ng mahigit 6,000 kabataan sa Florida, na may average age na 16, na lumahok ng 2013 Youth Risk Behavior Survey, isang national survey kada taon na nagmo-monitor sa pag-uugali ng mga nagdadalaga at nagbibinata. Tiningnan ng mga researcher ang oras na inilalaan ng kabataan sa screen, at ikinumpara ang haba na ito sa mapanganib na pag-uugali sa ibang aktibidad, tulad ng mapanganib na pagmamaneho, pagkakaroon ng mababang grado, at pagsasagawa ng maliliit na krimen.

Kinonsidera rin ng mga researcher ang mga factor na maaaring magkaroon ng positibong epekto sa mga kalahok, tulad ng pisikal na aktibidad, pagtulog, at relasyon sa kanilang pamilya, ayon sa pag-aaral.

Hinati ang screen time sa apat na kategorya: hindi lumahok o hindi nagkaroon ng screen time; “low” users na hindi bababa sa dalawang oras na screen time kada araw; moderate users o dalawa hanggang anim na oras bawat araw; at ang excessive users na mahigit anim na oras ang pagtutok sa screen.

Napag-alaman ng mga researcher na ang relasyon ng screen time at ng negative outcome, tulad ng mababang grado sa eskuwelahan o depression, ay “dose-dependent”. Ibig sabihin, sa pagtaas or pagbaba ng screen time, ganoon din ang nangyayari sa negative outcome.

Ngunit kailangan ng lubhang mahabang screen time bago magsimula ang negatibong epekto, saad ng mga researcher. Ang pagbabad sa screen time “in considerable excess of the AAP’s historical two-hour maximum recommendation (were) required before association with negative outcome were noticeable,” saad nila.

Napansin ng mga researcher na ang negatibong epekto ay sa maliit na bilang lamang ng kabataan na nagkaroon ng mahigit anim na oras na screen time araw-araw.

Maliit din lamang ang negatibong epekto kumpara sa kabataan na walang screen time ng mga tao na nagkaroon ng mahigit anim na oras na screen time araw-araw, na nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng panganib sa pagkakaroon ng sintomas ng depression, sa mababang grado at paglahok sa maliit na uri ng krimen.

“It is unclear whether such small associations warrant the degree of attention they often receive from professional advocacy groups,” saad ng mga researcher.

“Screens of various sorts are increasingly embedded into daily life, whether they involve education, work, socialization or personal organization,” saad ni Ferguson. “Setting narrow limits on screen time may not keep up with the myriad ways in which screens have become essential to modern life,” aniya. (Live Science)