KAPWA lider sina Ka Luding Boongaling ng LB Candelaria at AAO ni Gerry Ramos na parehong umiskor ng limang panalo sa anim na laban sa 1st Leg ng 2017 UFCC Cock Circuit para sa 2017 UFCC Cocker of the Year.

Ang second leg na isa paring 6-cock derby ay nakatakda bukas sa Las Piñas Coliseum na may 40 entry ng pinaka-magagaling na sabungero.

Pumangalawa sa labanan na may 4.5 puntos ang pride ng Quezon na si Anthony Lim na siya rin namang pinuno sa gaganaping Piwa 7-Cock Big Event sa Lucena Cockpit Arena sa Abril 29.

Sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino, ang Ultimate Fighting Cock Championships ay itinuturing na pinaka-mahirap na kumpetisyon ng sabong sa buong bansa ‘kung saan ang pinaka-magagaling at pinaka-matatapang na sabungero lamang ang sumusubok lumaban”. Ito ay sa pangunguna pa rin ni Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos at Engr. Sonny Lagon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga susunod na 6-cock derby ay sa Marso 4, 11, 25 at Abril 1 at magtatapos sa isang araw na 7-cock derby sa Abril 22.

Ang enrty fee ay P55,000 at minimum bet na 33,000.

Kailangang mag-sumite ng timbang (1.900 – 2.500 kgs) ngayong araw sa ganap na 2:00 PM hanggang 8:00 PM para sa computer matching.