WELLINGTON (AP) – Pinasinayaan kahapon ng lungsod ng Christchurch, New Zealand ang pambansang memorial na gumugunita sa 185 kataong namatay sa lindol anim na taon na ang nakalipas.

Kasama ni Prime Minister Bill English ang iba pang dignitaries sa pag-alis ng tabing sa memorial wall sa anibersaryo ng lindol noong 2011. “This memorial will endure as a place of peace, a symbol of our love and respect for those who have gone,’’ ani English.

Dinisenyo ng Slovenian architect na si Grega Vezjak, ang memorial ay ginastusan ng 11 million New Zealand dollars.

Tinawag itong Oi Manawa, na nangangahulugang “the tremor of the heart” sa salitang Maori.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na