SUBIC BAY – Tulad ng inaasahan, matikas na sinimulan ng defending champion San Sebastian College at Mapua ang kani- kanilang title-retention bid sa pagbubukas ng NCAA Season 79 beach volleyball tournament kahapon sa Subic Baywalk sa Olongapo City.

Dinomina ng tambalan nina reigning MVP Grethcel Soltones at Alyssa Eroa sa loob ng dalawang set ang tambalan nina Shaira Mae Hermano at Danielle Marie Ramilo ng Mapua.

Nagwagi rin ang kambal na sina Nieza at Jeziela Viray ng San Beda College kontra kina Regine Arocha at Jovielyn Prado ng Arellano sa loob din ng dalawang set.

Sinimulan din ng reigning men's champion Mapua na kinakatawan nina Rey Arth Andaya at Sam Damian ang kampanya sa dominanteng 2-0 paggapi sa Jose Rizal University.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nagwagi naman ang last year losing finalist Perpetual kontra Letran, 2-0.

Sa juniors division, nanaig din ang defending champion Staglets kontra Light Bombers, 2-0, habang pinataob ng dating kampeon Emilio Aguinaldo College ang Letran, 2-0. (Marivic Awitan)