TINULDUKAN ng University of Santo Tomas ang 44- game winning run ng defending four-time men’s champion National University sa matikas na 3-2 panalo sa UAAP Season 79 lawn tennis tournament nitong Linggo sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nagsipagwagi ang mga single players na sina Dave Mosqueda, Clarence Cabahug at Nico Lanzado para sa Growling Tigers tungo sa paggapi sa liyamadong Bulldogs sa simula ng kanilang title retention bid.

Nagsipagwagi para sa Bulldogs’ ang kanilang doubles pairs nina Jigo Peña at AJ Alejandre, at Allen Manlangit at Kiko Alcantara.

Nagtala naman ng dalawang sunod na panalo ang University of the East, sa pamumuno ni rookie Alberto Lim Jr. kontra Ateneo, 3-1, at University of the Philippines, 5-0.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa kababaihan, sinimulan ng NU ang kanilang 4-peat bid sa pagbokya sa Ateneo, 5-0.

Nanguna sa panalo sina dating MVPs Christine at Clarice Patrimonio habang kinumpleto ng mga kakamping sina Jzash Canja at ang pareha nina Gold Nagret at Zara Paulino at Ana Bienes at Junnelyn Polito ang sweep.

Winalis din ng Tigresses ang UP, 5-0, sa isa pang women’s tie. (Marivic Awitan)