Naglabas si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar R. Dulay ng modified tax amnesty na tinatawag na expanded compromise settlement program (ECSP) upang maisaayos at mabayaran ng delinquent taxpayers ang kanilang utang sa mas mababang singil.

Ang mga singil ay 10 porsiyento ng basic tax, bawas ang interest at surcharges, sa mga kaso ng financial incapacity at 40 porsiyento ng tax assessment ng doubtful validity.

Maaaring maging mas mababa pa ang minimum na babayaran ngunit depende sa approval ng evaluation board na binubuo ng commissioner at ng kanyang apat na deputy.

Ayon kay Dulay, mahigit 50 kaso na ang naaprubahan ng evaluation panel simula nang ipakilala ang programa nitong nakaraang buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi niya na ang paniningil sa malalaking back accounts ay bahagi ng stepped-up tax collection campaign upang makalikom ng P1.892 trilyon bago matapos ang taon. (Jun Ramirez)