MOSCOW (Reuters) – Biglaang namatay ang palabang ambassador sa United Nations ng Russia na si Vitaly Churkin, sa New York nitong Lunes matapos sumama ang kanyang pakiramdam habang nasa trabaho, ipinahayag ng Russian Foreign Ministry.

Walang ibinigay na detalye ang ministry sa pagkamatay ni Churkin ngunit nagpaabot ng pakikiramay sa mga kamag-anak nito at sinabing pumanaw ang ambassador isang araw matapos ang ika-65 kaarawan nito.

Tumangging magkomento ang ministry sa mga ulat na isinugod pa sa ospital si Churkin bago namatay. Sinabi ng isang opisyal ng U.S. government na inatake sa puso si Churkin.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na