Tatanggap ng rice subsidy ang 4.4 milyong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay 4Ps national program manager Leonardo Reynoso, ang P600 rice subsidy kada buwan ay bukod pa sa cash allowance sa ilalim ng Conditional Cash Transfer (CCT) na natatanggap ng mga miyembro.

Inihayag din ni Reynoso ang pagsasagawa ng “Project Kumustahan” simula Abril upang alamin ang kalagayan ng mga benepisaryo mula nang mag-enroll sila sa programa.

Sa kasalukuyan ay mayroong 4,387,371 pamilya ang miyembro ng 4Ps. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter