NEW ORLEANS (AP) — Napuno na ang salop sa pagtitimpi ng Sacramento Kings kung kaya’t ipinamigay nito ang pikuning si DeMarcus Cousins kasama si Omri Casspi sa New Orleans Pelicans kapalit nina Tyreke Evans, 2016 first-round draft pick Buddy Hield, Langston Galloway at first at second-round draft picks ngayong summer, ayon sa opisyal na pamilyar sa usapin nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ang pagdating ng 6-foot-11 na si Cousins, frontcourt All-Star mula sa Mobile, Alabama, ang kukumpleto sa ‘twin tower’ kasama ang franchise player na si 6-11 Anthony Davis, tinanghal na All-Star Game MVP nitong Linggo matapos umiskor ng 52 puntos.

Tapik sa balikat ang naturang trade sa kampanya ng New Orleans (23-34) na 2 ½ lamang ang layo sa Denver Nuggets para sa ikawalo at huling playoff spot sa Western Conference.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA