Hinihinalang biktima ng summary execution ang isang babae na natagpuang patay sa madilim na bahagi ng kalsada sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation Detective and Management Branch ng Pasay City Police, ang biktima na edad 30-35, may taas na 4’11”, payat, nakasuot ng asul na maong jeans, gray T-shirt at nababalutan ng packaging tape ang mukha habang nakagapos ang mga kamay at duguan ang dibdib.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 4:20 ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng babae sa Diokno Boulevard sa CCP Complex, Barangay 76 ng lungsod.

Isang hindi pinangalanang traffic enforcer ang nagpabatid sa pulisya hinggil sa pagkakatagpo sa biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Southern Police District (SPD), nabatid na may sugat sa leeg ang biktima na mistulang may bali, habang nakapatong sa tiyan nito ang isang papel na nasusulatan ng “Pusher ako!!! Marami na ako pinerwisyo!!! ‘Wag tularan!!!” (Bella Gamotea)