SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Nagbanta si Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Emily Padilla na ipakukulong niya ang mga manlolokong gumagamit sa Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Council (MRRD-NECC) para umano sa siguradong posisyon sa barangay.

Ayon kay Padilla, may rumaraket na nilalapitan ang mga taga-barangay para umano sa awtomatikong posisyon sa konseho, at kapag nagbayad ay tiyak nang may puwesto sa barangay council at may ID ng MRRD-NECC.

Batay sa impormasyon na natanggap ni Padilla, may mga nagbayad ng P1,000 hanggang P10,000 para sa siguradong posisyon bilang kapitan o kagawad ng barangay.

“Racket ‘yan! Ang mga umiikot ay nagpapaliwanag sa federalism. Walang ganyang pagbebenta ng posisyon,” paglilinaw ni Padilla. (Light A. Nolasco)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City