FORT GREGORIO DEL PILAR, Baguio City – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na isang seryosong banta ang industriya ng pagmimina sa Mindanao sa tinaguriang “Land of Promise”, ang Mindanao.

Sa kanyang pagtatalumpati sa harap ng nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA), sinabi ng Presidente na nanganganib ngayon ang Mindanao dahil sa climate change, na epekto na rin ng pagmimina sa rehiyon.

“As a child immigrant from Visayas to Mindanao, we hoped for a better life in the so-called ‘Land of Promise.’ But now, it is threatened by climate change caused by man-made diseases like extractive industries,” sinabi ni Duterte sa kanyang pagdalo sa PMA Alumni Homecoming 2017 sa Baguio City kahapon.

Unang inamin ng Pangulo ang malaking pinsala ng pagmimina sa Mindanao sa kanyang air inspection nang kumustahin ang mga nabiktima ng lindol sa Surigao del Norte noong nakaraang linggo.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“I’m warning those mining industry, even if they have billions, they use to pay everyone to be able to corner a huge concession, that won’t happen under my administration,” sinabi ni Pangulong Duterte nang bumisita siya sa Surigao.

Ayon sa Presidente, kumikita ang Pilipinas ng P70 bilyon mula sa pagmimina.

Bagamat sinabing wala siyang magagawa kung ipasara man ni Environment Secretary Gina Lopez ang mga pasaway na minahan dahil na rin sa nakita niyang matinding pinsala nito sa kalikasan, aminado si Duterte na ang pinakamalaking magiging problema ay ang napakaraming mawawalan ng trabaho.

“Now our problem are the people who will lost their livelihood. So, if I can find another alternative source of income, if they will come, maybe I will really close them. Because our mountains were really destroyed. Already spotted,” ani Duterte. (Argyll Cyrus B. Geducos)