CARACAS (AFP) — Nanawagan ang Venezuelan opposition leader na si Leopoldo Lopez sa kanyang mga tagasuporta na magsagawa ng “massive” protest matapos kagalitan ni US President Donald Trump ang Caracas sa planong pagpapalaya sa kanya.

Si Lopez, ang nagtatag ng Popular Will – isa sa pinakapalabang partido na tutol kay President Nicolas Maduro – ay nahatulan ng 14 na taong pagkabilanggo bilang kabayaran sa kanyang kaso kaugnay ng anti-government protests noong 2014.

Kahapon ang kanyang ikatlong anibersaryo sa bilangguan, at nanawagan ang Popular Will ng protesta sa Caracas na may temang “No more dictatorship.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture