TARGET nina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ng San Sebastian na makabawi mula sa bigong kampanya sa indoor volleyball sa kanilang pagsalang sa 92nd NCAA beach volleyball competitions sa Feb. 22-26 sa Lighthouse Marina sa Subic Bay.

Sina Soltones, two-time MVP sa indoor volleyball, at Eroa, isa sa pinakamatibay na liberos sa bansa, ay bahagi ng San Sebastian squad na sinilat ng Arellano U mula sa ‘thrice-to-beat’ na bentahe sa katatapos na women’s volleyball championship.

Tangan ng magkasangga ang ikatlong sunod na kampeonato sa torneo. Ginapi nila ang tambalan ng kambal na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray , 14-21, 21-9, 15-6, sa nakalipas na season.

“Grethcel (Soltones) and Alyssa (Eroa) will play,” sambit ni San Sebastian coach Roger Gorayeb. Kasama nila bilang reserve si Daureen Santos.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!