Sinabi kahapon ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB) na ligtas nang maligo sa Manila Bay at hinikayat pa ang mga Manilenyo sa pagmamagitan ng “water bucket challenge†nitong Valentine’s Day, ngunit mariin naman itong kinontra ng Manila City Health Office.

Ayon kay MTCAB chief Liz Villasenor, layunin ng naturang challenge na patunayang malinis at ligtas ang tubig mula sa Manila Bay.

“Ginagawa po natin yan (water bucket challenge) para po ipakita sa buong mundo na malinis na po’yung Manila Bay,†ani Villasenor. “I would encourage (paliligo) kasi naman po ang tubig naman sa Manila Bay free-flowing water. Naligo na po ako dun.â€

Taliwas naman ito sa pahayag ni Clemente San Gabriel, pinuno ng sanitation department ng Manila City Health Office, na mataas pa rin ang coliform o uri ng bacteria na nakikita sa dumi ng hayop, sa Manila Bay, at bawal pa ring maligo rito. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak