Kinumpirma ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao na magaganap ang unang depensa niya ng korona sa United Arab Emirates sa Abril at hindi pa sigurado kung si No. 2 contender Jeff Horn ng Australia ang kanyang makakalaban.

“We are really going to fight in the UAE by April. I don’t really have a fixed date, probably the third week of April... I don’t really know yet,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng GMA News.

Nilinaw din ng kaisa-isang eight-division world boxing champion na hindi pa niya nilalagdaan ang kontrata para makalaban si Horn, ngunit inamin niyang mag negosasyon na nagaganap sa pagitan ng kanyang promoter na Top Rank at Duco Events ni Horn.

Aminado ang Duco Events na batid nila ang Twitter poll na ginawa ni Pacquiao gayundin ang pahayag ng tagapayong Canadian nito na si Michael Koncz na gaganapin ang depensa ng Pinoy boxer sa UAE.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Michael Koncz has looked at other options, and he is well within his rights to do so,” sabi ni Duco founder Dean Lonergan sa BoxingScene.com. “But Top Rank will still make the final call in consultation with Manny.”

Gusto rin ni Pacquiao na magkaroon siya ng laban sa Pilipinas pagkatapos ng depensa sa UAE.

“We want to work things out to have a fight here in the Philippines after the fight in UAE. Maybe as a way to end my career in boxing we can have an event here,” giit ni Pacquiao.

Ginanap ang tatlong huling laban ni Pacquiao sa Las Vegas, Nevada kung saan natalo siya sa record breaking fight kay dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. at nagwagi kina Timothy Bradley at Jessie Vargas. (Gilbert Espeña)