SUNUD-SUNOD ang pasabog ni Nadine Lustre. Pagkatapos maging viral ang photo niya na naka-two-piece swimsuit at ‘yung photo nila ni Lauren Reid na naka-skimpy swimsuit at kita ang puwet, may bago na naman siyang panggulat sa kanyang fans.
Ito ‘yung inilabas ng Metro magazine na sexy pictorial niya suot ang iba’t ibang design ng lingerie. Four different sexy photos ang inilabas ng magasin na siguradong pagkakaguluhan ng kanyang fans at fans nila ng boyfriend na si James Reid.
Ang sexy pictorial ni Nadine ay para sa kanyang perfume line na tinawag na Luster. Hindi pa raw available ang perfume, pero puwede nang mag-inquire online. (NITZ MIRALLES)