CAGAYAN DE ORO CITY – Kinondena kahapon ng militar ang pamamaril ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa convoy nito ng mga maghahatid ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Surigao City, nitong Martes ng gabi.

Base sa natanggap na report ni Capt. Joe Patrick Martinez, tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, mga kasapi ng “Militia ng Bayan” ng NPA ang responsable sa pag-atake sa convoy, batay sa pag-amin ng isang Ka Lukas, ng Sangay sa Partido Pampropaganda, nang kausapin nito ang mga residente ng Barangay Mat-I sa Surigao City.

Sinabi ni Major Gen. Benjamin Madrigal, commander ng 4thID, na patraydor ang naging pag-atake ng mga rebelde sa convoy ng mga sasakyan ng militar, ng Malimono Municipal Social Welfare and Development Office, at ng ABS-CBN Sagip Kapamilya sa Barangay Linunggaman sa San Francisco, Surigao del Norte.

“We condemn in the strongest terms possible the recent harassment of the NPA. There is no way we can really trust these terrorists. They have deceived the entire National when they fired upon the team that is composed of Army and civilian volunteers who have just delivered relief goods to the earthquake-stricken communities.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Their (NPA) recent declaration of ceasefire in that area is nothing but lie and deception,” sabi ni Madrigal.

Wala namang nasaktan sa nasabing pag-atake.

Sumama ang mga tauhan ng 30th Infantry Battalion sa relief operations ng ABS-CBN Sagip Kapamilya nang mangyari ang insidente.

Matatandaang nagdeklara ng tigil-putukan ang NPA sa Surigao City ilang oras makaraang yanigin ng 6.7-magnitude na lindol ang siyudad nitong gabi ng Pebrero 10.

Sa kabila ng nangyari, tiniyak ng militar na magpapatuloy ang relief operations para sa mga naapektuhan ng lindol sa lalawigan. (Camcer Ordonez Imam)