MAKALAPIT sa inaasam na makahirit sa kampeonato ang tatargetin ng Talk ‘N Text Katropa sa muling pakikipagtuos sa defending champion San Miguel Beer sa Game Four ng kanilang best-seven semifinal series ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa MOA Arena.

Tangan ang 2-1 bentahe, puntirya ng Katropa na masundan ang malaking panalo sa Game 3, 98-92, sa kanilang duwelo ngayon ganap na 7:00 ng gabi

Depensa ang sinasabi ni coach Nash Racela na susi ng kanilang panalo, ngunit ang kontribusyon at pagtutulungan ng bawat isa partikular ng mga beterano ang nagsilbing pundasyon sa pag-angat ng Katropa sa serye.

“Our defence makes the difference. But I’m still reliant with my veterans. Pagdating sa playoffs, it’s hard to rely on the younger guys because they don’t have the experience. But it’s a good mixture. It’s still a collective effort.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Everybody’s trying to contribute,” pahayag ni TNT mentor Nash Racela. (Marivic Awitan)