TAIPEI (PNA) – Iniulat ng Taiwan ang tatlong kaso ng H5N6 bird flu ngayong linggo, at pinaigting ang mga hakbang upang maiwasan ang impeksiyon.

Nakumpirma ang bagong kaso nitong Linggo sa mga turkey sa isang bukid sa Tainan city.

Naitala ang unang kaso ng H5N6 noong Pebrero 5 sa isang namatay na gansa na natagpuan sa kalsada sa bukirin sa silangan ng Hualien county. Noong Pebrero 11 nagpositibo rin sa virus, ang mga sample mula sa 3,789 kinatay na pato sa bukid kung saan natagpuan ang gansa.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na