Isinusulong ni House Deputy Minority Leader at Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang pagtatayo ng Capital Defense Unit (CDU) na poprotekta sa mahihirap na mamamayan na maaaring maharap sa parusang kamatayan habang puspusan ang pangangampanya ng liderato ng Kamara na maipasa ang death penalty bill.

Sinabi niya na dapat ikonsidera ng Kongreso ang paglikha ng CDU upang mabigyan ang mga maralitang nagkasala ng pantay na legal assistance.

“Assuming Congress decides to revive death verdicts for the worst criminal offenders, the State should at the very least guarantee that nobody gets wrongfully doomed on account of his or her simply being poor and unable to obtain superior legal representation,” ani Campos.

Ipinaalala ni Campos ang Section 11, Article 3 ng 1987 Constitution na nagsasabing hindi dapat pagkaitan ng “adequate legal assistance” ang sinumang tao dahil sa kanyang kahirapan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinanukala niya na ang CDU ay pamahalan ng Institute of Human Rights ng University of the Philippines-College of Law at ng Integrated Bar of the Philippines. - Charissa M. Luci