SIMULA na ng ika-25 taong pagdiriwang ng Star Magic ngayong tanghali sa ASAP sa pangunguna nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Piolo Pascual.

Humanda sa nakakakilig na sorpresa ng My Ex and Whys stars na sina Liza Soberano atEnrique Gil na susundan pa ng romantic musical treats mula sa paboritong Kapamilya love teams nina Joshua Garcia at Julia Baretto, Loisa Andalio at Jameson Blake, at Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Tuluy-tuloy ang concert party celebration sa grand launch ng pinakabagong Kapamilya series na The Better Half tampok sina Carlo Aquino, Denise Laurel, Shaina Magdayao, atJC de Vera, at Wildflower tampok naman sina Maja Salvador, Joseph Marco, Vin Abrenica at RK Bagatsing.

Major throwback naman para sa batang 90s ang magaganap sa pagdalaw ng Canadian Pop/Rock band na The

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Moffatts sa ASAPstage. Maghahandog din ang American singer-actor na si Rex Smith ng special number kasama si Zsa Zsa Padilla.

World-class collaboration naman ang ihahain nina Ogie Alcasid at Gary Valenciano at nina Sarah Geronimo at Enrique Gil.

Kilalanin din ang limang lucky winners “ASAP Date me BoybandPH” at panoorin ang kanilang date kasama sina Niel Murillo, Ford Valencia, Joao Constancia, Russell Reyes, at Tristan Ramirez.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong tanghali sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).