CALAUAG, Quezon – Patay ang isang lineman matapos siyang makuryente habang inaayos ang overhead ground wire sa tower sa Barangay Mambaling sa Calauag, Quezon, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Angelberto S. Vega, Jr., 38, lineman ng Emperor Supply and Energy Construction Corp., at residente ng Bgy. Yaganak, Calauag.

Ayon sa report, dakong 9:30 ng umaga at pinapalitan ni Vega ang overhead ground wire sa Tower 65 sa lugar nang bigla itong makuryente sa pagkakaupo sa roller. (Danny J. Estacio)

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao