Pinagsabihan ng mga kongresista ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magbago o magbitiw na lamang sa gitna ng anila’y “atmosphere of doubt and fear” sa ahensiya.

Inihayag ng mga commissioner ng ahensiya sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at ng House Committee on Energy, ang sitwasyon sa loob ng ERC kaugnay sa imbestigasyon sa pagpakamatay ni Director Francisco Jose Villa, Jr.

Sa suicide note ni Villa, sinabi nitong ginipit siya ni ERC Chairman at Chief Executive Officer Jose Vicente Salazar, na aprubahan ang mga kontrata kahit walang kaukulang bidding at pagtalima sa procedure, bukod pa sa kurapsiyon sa mga transaksiyon ng ERC. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'