Wala nang babayarang irrigation service fee (ISF) sa National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka sa bansa.

Inihayag ni NIA Administrator Peter Laviña na simula nitong Enero 1, itinigil na nila ang pangongolekta ng ISF na ibinatay sa Republic Act 3601. Sa ilalim ng naturang batas, pinahihintulutan ang NIA na mangolekta ng ISF sa mga magsasaka at farmer’s organization.

Ayon kay Laviña, may nakalaan nang P2 bilyong pondo ang NIA na inaprubahan ng Kongreso upang hindi na maningil ng irrigation fee.

Kukunin mula sa nasabing pondo ang gagastusin sa operating requirements at maintenance ng NIA sa irrigation facilities na dating umaasa sa nakokolektang ISF.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“So next year we will have to ask for additional. Ang original na hiningi for 2017 is more than P4 billion, so baka ganun din ang hihingin namin for next year to cover the operations and maintenance of irrigation systems,” sabi ni Laviña. (ROMMEL P. TABBAD)