NAKATUON ang pansin sa University of the East sa pagratsada ng UAAP Season 79 fencing tournament ngayon sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Naitala ng Red Warriors ang makasaysayang apat na sunod na kampeonato sa men’s at women’s division dahilan upang tanghalin silang liyamado para sa titulo.

Itinuturing pinakamatagumpay na koponan sa UAAP fencing, tinapos ng UE ang kampanya sa Season 78 na may apat na ginto, tatlong silver at dalawang bronze medal.

Nagbabalik sa UE si dating MVP Nathaniel Perez, habang mangunguna sa ladies class si last season MVP Keren Pangilinan.

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

Target din ng Junior Warriors’ na mawalis ang boys and girls championships para muling maulit ang pagwalis sa sports.