TACLOBAN CITY – Ilang pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5,500 ang nasabat sa loob ng Tacloban City Jail noong Lunes.

Natagpuan ang shabu nang halughugin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Jail Management and Penology ang mga selda sa kulungan.

Hindi tinukoy ng mga owtoridad kung sino ang nakumpiskahan ng droga.

Sinabi PDEA Regional Director for Eastern Visayas na si Edgar T. Jubay na bukod sa 11 sachet ng shabu, may nakuha ring mga kagamitan sa paggamit nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Patuloy ang PDEA sa pagmamatyag sa mga jail sa Eastern Visayas kahit nakakulong na ang tinuturing na pinakamalaking drug lord sa rehiyon na si Kerwin Espinosa.

Noong Disyembre, isang babaeng jail guard sa Basey, Samar, ang inaresto ng pulis matapos nahuling nagbebenta ng shabu sa Tacloban.

Pansamantalang pinatigil ni Pangulong Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga matapos mabulgar ang pagkakasangkot ng mga mataas ng opisyal ng pulisya sa pagpatay sa isang dinukot na South Korean sa Camp Crame noong Oktubre.

Nakatuon ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa pagwawalis sa mga tiwaling pulis. (Nestor L. Abrematea)