Sinabi kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Congressman Jericho Nograles na dapat imbestigahan ng Kongreso ang umano’y pag-aapruba ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) management na bayaran ng P2.7 bilyon ang Chinese supplier kahit hindi gumagana ang mga nai-deliver nitong tren.

Ayon kay Nograles, dapat kuwestiyunin si MRT-3 OIC-General Manager Deo Leo Manalo kung bakit inindorso nito na bayaran ng 70 porsiyento ang Dalian Locomotive and Rolling Stock Corporation para sa 48 bagong bagon na nai-deliver ngunit hindi naman tumatakbo o nagagamit dahil wala ang ibang mga piyesa/parte at kulang sa “critical tests and documentation.” (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'